SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD (SRB/S) International Service Fraternity and Sorority SRB-Australia Alumni Association (SRB-Australia AA)
19 SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD (SRB/S) 75
SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD-AUSTRALIA ALUMNI ASSOCIATION

SRB History

ANG KASAYSAYAN NG SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD By Bro Jun Cristobal Alpha Delta ‘74 Alpha Delta Ang Alpha Delta ay ang chapter ng Alpha Phi Omega sa San Sebastian College-Recoletos na nabuo noong 1965. Ito ay isa sa mga matibay at malakas na chapter ng APO di lamang sa University Belt area kundi sa buong kamaynilaan at Pilipinas. Sa katunayan isa sa mga brother na mula sa Alpha Delta ang naging pambansang pangulo ng APO, si Bro Cary Lazo, Alpha Delta ’70. Bukod dyan kilala ang mga kapatid sa Alpha Delta sa pagdamay sa mga iba’t ibang chapter na may mga problema partikular noong dekada 70. Ang dekada 70 Ang dekada 70 ay isang kasaysayan sa Pilipinas na punong-puno ng karahasan sa hanay ng mga kabataan at estudyante. Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 1970 at mula noon ay lumubha ng lumubha ang gulo sa Kamaynilaan bunga ng labanan ng mga estudyanteng aktibista at mga pulis na na naging dahilan upang ipataw ang batas militar (Martial Law). Tumahimik ang mga kolehiyo at unibersidad nguni’t mga ilang panahon lamang ay nagkagulo na naman sa mga paaralan, hindi bunga ng aktibismo kundi dahil sa Frat Wars na kinatatampukan ng Alpha Phi Omega, Beta Sigma at iba pang fraternities sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng sa Alpha Delta. Frat war ng APO at Beta Sigma Ang Frat War ng APO at Beta Sigma ay pinakatampok sa mga Frat Wars noong dekada 70. Ito ay marahas at madugo ngunit labanan din ito ng talino, stratehiya at taktika sa pag-atake, rambulan at kahit na sa larangan ng katalinuhan sa pag-aaral. May mga magkakaibigan sa magkabilang panig ngunit kung may Frat War nagiging magkaaway sila. Nagpapaligsahan din sa recruitment ang APO at Beta Sigma ng mga neophytes. Violente, mapanganib nguni’t punong puno ng indoktrinasyon sa prinsipyo ng APO at Scouting ang initiation ng mga kapatid sa APO. Hindi lang tapang ang kailangan, higit na kailangan ng talino para pumasa at maging APO ang isang neophyte. Ang pagtatatag ng Scouts Royale Brotherhood Hindi basta naitatag ang Scouts Royale Brotherhood nang ganoon na lamang. May mga sitwasyon at dahilan bakit ito nabuo ng mga kapatid sa Alpha Delta. Ito ay bunga ng gulo ng APO at Beta Sigma. Ang Alpha Delta ang isa sa pinakamalakas na chapter ng APO at ganoon din ang Beta Sigma sa San Sebastian College. Hindi lang tagisan ng tapang, kasama rin ang talino sa karakter ng Frat War sa Alpha Delta. Nagbuo rin ng high school fraternity ang Beta Sigma at tinawag nila itong Betan Elite na may chapter din sa San Beda College. May mga high school din sa Alpha Delta na di maiiwasan na maging interesado sa mga nangyayari sa APO at Beta Sigma. Lumalapit sila at minsan ay umiistambay sa tambayan ng APO sa likod ng Simbahan ng San Sebastian College, sa 1925 International Restaurant at iyong Bamboo House. Karamihan sa kanila sa pamumuno ng yumaong Bro Bing Marabut ay gustong mag-APO ngunit hindi maaari dahil ang APO ay pang kolehiyo lamang. Madalas sila doon at nagmamasid sa mga kilos ng mga kapatid sa APO. Sa panahong ito ng unang semestre ng school year 1975, si Bro Bong Manuel, Alpha Delta ’72, ang Grand Chancellor ng Alpha Delta at si Bro Len Toledo, Alpha Delta ’73, naman ang sumunod sa kanya. Ang master initiator ay si Bro Col Vic Tomelden, Alpha Delta ’73 at Bro Ferdie Villa ng Alpha Eta. Malakas ang pwersa ng Alpha Delta at halos ganoon din ang Beta Sigma at ang Betan Elite. Tanghali ng September 19, 1975, naglalakad si Bro Col Vic Tomelden at Jun Cristobal, Alpha Delta ’74, sa harap ng gate ng San Sebastian College upang mananghalian sa Luisa and Sons sa may CM Recto at Legarda. Bigla na lamang silang pinaligiran ng mahigit 50 miembro ng Betan Elite na may hawak na mga panaksak, tubo, kadena at iba pa. Nabigla ngunit di nawalan ng loob sa gitna ng panganib ang dalawa at bago pa man maihampas ang unang tubo, nakapagsalita si Bro Jun Cristobal upang makipagnegotiate sa mga Betan Elite. Nakumbinsi na hindi dapat magkagulo ang mga high school at college students kahit magkaiba pa ang mga fraternities sa iisang kolehiyo. Hindi natuloy ang gulo ngunit nagbigay ito nang isang kakaibang sitwasyon sa mga pwersa APO at Beta Sigma. Bunga nito, napag-isip ng dalawa na gumawa ng hakbang upang mabalanse ang pwersa ng APO at Beta Sigma sa Alpha Delta. Nakipag-usap ang dalawa kay Bro Bing Marabut at itanong kung ano ang lagay ng Betan Elite sa mga high school na estudyante sa San Sebastian College. Sinabi ni Bro Bing na maraming galit sa mga Betan Elite na mag-aaral at sila ay binu-bully madalas at pinagtatangkaang saktan. Kung maoorganisa ang mga naaaping high school ay matitigil ang pagsisiga-sigaan ng mga Betan Elite. Napagkasunduan na makipagpulong iyong mga inaaping high school sa dalawang APO matapos ang klase. Ipinaalam din ng dalawa ang nangyari kay Bro Bong Manuel at ilang brods sa Alpha Delta. Kinagabihan ding iyon ay nakipagpulong si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal kay Bro Cary Lazo sa bahay nito at agad syang sumang ayon sa ideya ng pagbubuo ng high school fraternity sa Alpha Delta. Matapos ang dalawang araw at sa basbas ng Grand Chancellor na si Bro Bong Manuel, naging pormal ang initiation ng mga high school sa San Sebastian College Church Yard noong September 22, 1975, alas tres ng hapon. Nang malaman ito ni Bro Boy Aure, Beta Alpha ’75, nakapagrecruit sya ng 3 high school mula sa NCBA upang maisama sa 37 charter member. Tinagurian ni Bro Len Toledo ang yumaong Bro Bing Marabut, presidente ng mga charter members bilang Il Duce. Napagkasunduan din na tawagin ito na Scouts Royale Brotherhood (SRB) upang magkaroon ng distinction sa ibang Greek Letter Fraternities. Ang unang seal ng SRB ay dinesenyo ni Bro Bobby Vette ng Pi. Si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal naman ang naging master initiators. Ang indoktrinasyon ng SRB ay base sa mga prinsipyo at paniniwala ng APO tulad ng Leadership, Friendship and Service, the 12 Jewels of Scout Law, 4 Folds of Services at yong Motto of doing a good turn daily. Halos walang pinag-iba dahil ang pinaka adhika ng SRB ay maging isang fraternity sa high school tulad ng sa APO sa kolehiyo. Ang SRB rin ay isang hakbang upang palawakin ang impluwensya ng APO sa high school. Bawal ang physical contact at puro indoktrinasyon at serbisyo ang pinakabuod ng initiation ng mga charter members. Hindi rin naging madali na suportahan ng mga kapatid sa Alpha Delta ang pagbubuo ng SRB. Nagkaroon ng debate at mga argumento kung dapat ituloy o itigil ang pagbubuo ng SRB. Nanatiling matibay ang posisyon ni Bro Cary Lazo, Bro Bong Manuel, Bro Len Toledo, iyong 2 MIs na ituloy ito ngunit marami ring mga kapatid ang ayaw sumang-ayon. Ang mga diskusyon ay naging mainit at ito ang laging pinag-uusapan araw-araw. Umabot ito sa punto na maaring ikahati ng Alpha Delta ang usaping SRB at dahil dito nanawagan si Bro Boy Cruz, Alpha Delta ’66 ng isang eleksyon upang desisyunan kung mabubuo o hindi ang SRB. Nagbigay ng ilang araw na palugit upang magkampanya at ipaliwanag ang mga advantages at disadvantages ng SRB sa Alpha Delta at sa APO, at ng dumating ang eleksyon, nanalo ang boto na ituloy ang pag-oorganisa ng SRB. Dito ipinakita ng mga kapatid sa Alpha Delta ang pagsunod sa demokratikong proseso ng pagpili at ang pagsunod sa gusto ng karamihan. Nagkaisa ang lahat upang tumulong para maging isang tagumpay ang pagbuo sa SRB. Matapos ang finals na ginawa sa bahay ni Bro Ching Nieva, Alpha Delta ’75 at rituals, nabuo ang unang chapter ng SRB sa Roosevelt College, Concepcion, Marikina at mula noon ay lumaganap ang Scouts Royale Brotherhood sa buong Pilipinas, sa mga paaralan man o komunidad. Mga Aral sa Pagbubuo ng SRB 1. Ang Scouts Royale Brotherhood ay hindi na-organisa ng ganoon na lamang. Ito ay may dahilan at iniluwal ito ng isang kondisyon noong dekada ’70 sa panahon ng tunggalian ng APO at Beta Sigma at kalakasan ng iba’t ibang fraternities. 2. Pinatunayan ng SRB at ng Betan Elite, na hindi maihihiwalay ang mga high school sa kabuuang karakter ng mga fraternities o iba’t ibang organisasyon sa kolehiyo. Kailangan lamang nang modification at iayon ito sa sitwasyon. 3. Sa ilang attempt na maging parte ng APO ang SRB, ang pinakahuli ay gawing Associate Members ang mga kapatid sa SRB, walang nagtagumpay sa mga ito. Ang sabi nga ni Bro Mel Adriano, ang pambansang pangulo ng APO, ito ay destiny ng SRB na maging isang fraternity hiwalay sa APO ngunit parehong prinsipyo at paniniwala. 4. Ang mabilis at malaking paglawak ng SRB noong 1975 ngunit walang malinaw na organizational structure at makinarya at walang pormal na suporta ng APO sa national level ay mabigat na pasanin kay Bro Cary Lazo at Bro Len Toledo na nagpatuloy sa pag-gabay sa liderato ng SRB. 5. Isang pagkakamali ang kawalan ng pagtingin at di pagbibigay halaga sa mga SRB na hindi makakapag-APO ng ito ay simulang iorganisa. Isa itong dilemma at bagahe sa ibang hindi nakapag-APO noon na ang isang dahilan para mag SRB ay maging APO pagdating sa kolehiyo. Ito rin ang posibleng sanhi ng di-pagkakaunawaan ng mga kapatid sa SRB at APO, ang pagkakawatak-watak at di pagkakaunawaan sa loob mismo ng SRB at namuong galit ng iba sa APO. Bagama’t nasa tao at sitwasyon kung makapag-APO o hindi ang isang kapatid, ang usaping ito ay mananatiling bukas at hamon upang maiayos at mabigyan ng solusyon sa hinaharap. 6. Hindi kailanman mababago ang kasaysayan at ito ay nangyari na. Ang SRB ay binuo ng isang chapter ng APO, ang Alpha Delta. Ang SRB ay galing sa APO at ang APO ay binuo ng isang Freemason, si Bro Frank Reed Horton.
 
Property of SRB-Australia AA - Copyright 2016 - Website Admin: Epam La(Srb Apc) This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free